CAUAYAN CITY – Epektibo na ang bagong ordinansa ng Committee on the Eldery and Veterans na nagbibigay ng cash gifts sa mga senior citizen ng Lungsod na may edad walumput lima hanggang walumput siyam.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sanguniang Panlungsod Member Rufino Arcega Co-Chairman ng Committee on the Eldery and Veterans sinabi niya na iniakda ni SP Member ar Committee Chairman Telesforo Mallillin ang ordinansang nagtatakda ng tatlong libong piso na cash gift para sa mga Seniro Citizen na edad walumput lima hanggang walumput siyam habang 10,000 pesos naman para sa mga edad siyamnapu pataas.
Aniya ang cash gift ay ibibigay sa pamamagitan ng voucher kaya naman hinihikayat ang mga senior citizen na magfile sa Office of the Senior Citizen Affairs dalawang buwan para bago ang kanilang kaarawan para maproseso ang kanilang tseke.
Kailangan lamang nilang ihanda ang kanilang birth certificate o birth certificate ng kanilang panganay na anak maging certification na magmumula sa barangay.
Nakaraang taon pa aniya aprubado ni Mayor Jaycee Dy ang ordinansa na epektibo na ngayong Enero 2024 kung saan 3.5 billion pesos na pondo ang inilaan.
Bukas naman ang Committee on the Eldery and Veterans kung sakaling magpasya pa si Mayor Dy na ibaba pa ang edad ng mga senior citizen na makakatanggap ng cash gifts o insentives mula sa Pamahalaang Lunsod.











