--Ads--

Balik na sa regular na pamamahagi ng social pension ang Office of Senior Citizens Affairs o OSCA Cauayan City ngayong unang kwarter ng 2025.

Matatandaang noong huling kwarter ng 2024 ay hindi natuloy ang pamamahagi ng pension dahil ginamit ng Senior Citizens Affairs Regional Office ang pondo sa mga apektado ng bagyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OSCA Head Edgardo Atienza Sr. batay sa talaan ng tanggapan marami pa ring senior citizen sa lungsod ang hindi nakakatanggap ng pension dahil nasa 5,400 lamang ang nakakatanggap.

Kung titingnan aniya sa datos nasa 16,000 ang rehistradong senior citizen sa lungsod ng Cauayan.

--Ads--

Aniya inilapit na nila ito sa Regional Office ngunit maging ang nasabing tanggapan ay naghihintay din ng slot mula sa National Office.

Umaasa naman siya na sa mga susunod na panahon ay mabibigyan na ng slot ang mga senior citizen na hindi nakakatanggap ng kanilang social pension.