Nagkaroon ng special payout ang Office of the Senior Citizens Affairs o OSCA Cauayan para sa mga senior citizens na hindi nakakuha ng kanilang social pension payout sa kanilang barangay
Pinangunahan ito ng DSWD Region 2 na siyang namahagi sa mga pension ng senior citizens na pumunta sa opisina
Una rito ay nag ikot ang hanay ng DSWS Region 2 sa bawat Barangay sa lungsod para mamahagi ng payout
Ngunit sa kabila nito ay may ilan pa rin ang hindi nakapunta sa kanilang mga payout schedule dahil sa kadalinang wala sa lungsod o kaya naman ay may pinuntahang importante
Kaya naman nagbigay direktiba ang DSWD na magkaroon ng isang araw na special payout para sa mga hindi nakapunta
sa.mismong opisina ng OSCA
Sa pahayah ni OSCA Head Eduardo Atienza, sinabi nito na bagaman maari pa ring makuha ng mga seniors ang kanilang payout sa mga susunod na schedule ay marami pa rin ang ginustong kunin na ito ngayon at magtungo sa opisina
Aniya, natutuwa naman sila sa inisyatiba ng DSWD na maipamahagi pa rin ang unang kwarter ng payout ng mga seniors kahit ito ay maari rin naman nilang kunin sa second quarter