--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaasahan nang bubuksan ang isang ospital na pagmamay ari ng pamahalaang lunsod ng Ilagan bilang karagdagang quarantine facility para sa mga pasyente ng COVID 19.

Matatagpuan ang nasabing ospital sa Brgy Lullutan, Lunsod ng Ilagan at ayon sa impormasyon maaari itong mag accommodate ng aabot sa isangdaang COVID Patients.

Nagkaroon na ng ugnayan ang pamahalaang lunsod at ng DOH Regional Office 2 sa pamumuno ni Dr. Rio Magpantay at napagkasunduang gamitin ang nasabing ospital bilang isolation facility para sa mga asymptomatic at mild COVID patients.

Ayon kay City Mayor Jose Marie Diaz binisita rin ng mga kawani ng DOH Region 2 ang bagong COVID Testing Center sa lunsod na malapit na ring magbukas.

--Ads--

Sa pagbubukas ng nasabing testing Center ay mas mapapabilis na ang pagtukoy sa mga infected sa virus.

Bahagi ng pahayag ni City Mayor Jose Marie Diaz.