Prayoridad ng lokal na Pamahalaan at ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan ang sektor ng out-of-school youth matapos lumabas sa datos na mahigit limang porsiyento ng kabataang populasyon ang kabilang dito sa Lungsod ng Cauayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Population Program Officer II Rouchel Pareja, sinabi nitong makabuluhan at hindi maaaring balewalain ang naturang bilang, dahilan upang isama ito sa mga pangunahing layunin ng mga programa para sa kabataan.
Aniya, mahalaga ang koordinasyon ng mga SK at iba pang lokal na opisyal upang makabuo ng mga hakbang na tutugon sa pangangailangan ng mga kabataang hindi na nakakapag-aral.
Layunin ng lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng mga programang pang-edukasyon at pangkabuhayan ay mabawasan ang bilang ng out-of-school youth at mapalakas ang kanilang partisipasyon sa komunidad.
--Ads--











