CAUAYAN CITY – Pormal nang ipinasa ni Outgoing Regional Director Amelita Pangilinan responsibilidad at ang symbolic flag kay Dr. Razel Nikka Hao bilang bagong Regional Director ng Cagayan Valley Center for Health o CVCHD.
Pinasalamatan naman ni Dr. Pangilinan ang CVCHD Team sa kanilang walang kapaguran dedikasyon at commitment para sa komunidad.
Ang newly appointed Regional Director naman na si RD Nikka Hao ay nagpahayag ng kanyang kahandaan para sa pagpapatuloy ng mga layunin ng CVCHD.
Kasunod ng turn-over ceremony ay ginanap ang send-off program bilang pagkilala sa mga kontribusyon ni RD Amelita Pangilinan sa rehiyon dos.
Dumalo rin sa nasabing programa si Cagayan Valley Medical Center Chief II, Dr. Glenn Mathew Baggao; Southern Isabela Medical Center Chief II, Dr. Melchor Dela Cruz; Department of Health – Treatment and Rehabilitation Center Region 2 Chief of Hospital II, Dr. Charity I. Canapi; CVCHD ExeCom Members; Assistant Regional Director Dr. Mar Wynn Bello at iba pang healthcare workers.