--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatanggapin ngayong araw ng Bombo Radyo Cauayan ang pagkilala bilang outstanding stakeholder of the year sa buong north luzon kasabay ng pagdiriwang ng 9th anniversary ng Tactical Operations Wing Philippine Air Force Northern Luzon sa Clark Air base Pampanga.

Mismong si Bombo Exiquiel Quilang ang tatanggap ng parangal sa Tactical Operations Wing Philippine Air Force Northern Luzon sa Clark Air base Pampanga.

Nakatunggali ng Bombo Radyo Cauayan sa nasabing parangal ang RMN at Brigada.

Nauna rito sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Agosto Padua, Group Commander ng TOG 2 sa Cauayan City, sinabi niya na nanominate bilang outstanding stakeholder of the year ang Bombo Radyo Cauayan dahil sa dedikasiyon ng himpilan sa pagpapaabot ng mga impormasiyon sa publiko.

--Ads--

Kasabay nito ay kinilala ring Tactical Operation Group of The Year ang Tactical Operations Group o TOG 2 sa Northern Luzon.

Ayon kay Lt. Col. Padua nakamit ng TOG 2 ang nasabing pagkilala dahil sa mga naging kontribusyon ng TOG 2 bilang 1st responder sa mga kalamidad na tumama sa Region 2 pangunahin na ang paghahatid ng relief packs sa lalawigan ng Batanes matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Itbayat, pagtugon sa malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan at Isabela maging ang matagumpay na pagsasagawa ng mga civil military operations.

Kasabay nito ay kinikilala ng TOG 2 ang malaking nagampanan ng Bombo Radyo Cauayan sa paghahatid ng impormasyon at serbisyo publiko ng himpilang ito.

Magiging panauhing pandangal naman si Major General Joselito Ramos, Commander ng tactical operation Command sa pagdiriwang ng 9th anniversary ng Tactical Operations Wing Philippine Air force Northern Luzon sa Clark Air base Pampanga.