Pinuna ni Senator Loren Legarda ang overpriced na subscription sa Starlink ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa free internet access sa mga malalayong lugar.
Sa budget hearing ng DICT, inilabas ni Legarda ang natanggap na proposal mula sa ahensya para sa renewal ng Wi-fi subscription sa Starlink na aabot sa P150 million.
Kinwestyon ng senadora kung bakit ang mahal ng inirekomendang pondo dahil hindi naman bibili ng bagong kagamitan kundi ire-renew lang ang monthly subscription.
Nilinaw naman ni DICT Secretary Henry Aguda na hindi awtorisado at hindi nilagdaan ang naturang proposal sabay kumpirma ng kalihim na overpriced nga ito.
Sinabi pa ni Aguda na iniimbestigahan na ng internal audit ng ahensya ang naturang isyu at katunayan kasalukuyang nasa preventive suspension na ang nagpadala ng proposal na mula sa central office.






