Matapos ang kanilang historic debut sa Coachella, nakatakdang mag-perform ang P-pop girl group na BINI sa “Global Spin Live” ng GRAMMY Museum upang i-promote ang kanilang EP na Signals at magdaos ng espesyal na pagtatanghal.
Ayon sa anunsyo ng GRAMMY Museum, magaganap ang programa sa kanilang venue sa Los Angeles sa Martes, Abril 21. Layunin ng platform na bigyan ng pagkakataon ang mga international artists na ipakilala ang kanilang musika sa mas malawak na audience.
Ang paglabas ng BINI sa GRAMMY Museum ay i-moderate ni Emily Mei, bagamat hindi malinaw kung siya nga ba ang Chinese-American singer-actress na may parehong pangalan.
Ang kanilang pagtatanghal sa GRAMMY Museum ay ilang araw lamang matapos ang Coachella debut nila noong Abril 10 at 17. Ito ay malaking milestone hindi lamang para sa octet kundi pati na rin sa OPM, dahil sila ang unang Filipino act na makamit ang ganitong tagumpay sa naturang prestihiyosong event.
Binubuo ng walong miyembrona na sina Jhoanna, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, at Sheena. ang BINI ay isa sa nangungunang P-pop at kabilang sa mga lokal na artista na may pinakamaraming streams sa Spotify.







