--Ads--

CAUAYAN CITY – Kabuuang 1.5 million pesos ang naipamahaging tulong ng Pamahalaan sa mga Farmers at Fisherfolks sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucia Alan ng DSWD Region 2, sinabi niya na malugod na tinanggap ng mga magsasaka at mangingisda sa Region 2 ang tulong na ipinag kaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa 1,500 na qualified beneficiaries.

Sa kabuuan ay umabot sa 1.5 million pesos ang naibahaging tulong para sa mga farmer benficiaries ang Pamahalaan.

Bago ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka ay unang binisita ni Pangulong Marcos ang mga kababayang naapektuhan ng bagyo sa Nueva Vizcaya partikular ang mga nasiraan ng bahay.

--Ads--

Maliban dito ay panangunahan ng DSWD ang pamamahagi ng relief packs sa Bayan ng Bambang.

Una naring tiniyak ng Pangulo na mabibigyan ng sapat na tulong ang bawat pamilyang Pilipino na nasalantan ng kalamidad sa Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.

Samanatala, may ilang mga evacuees pa rin ang nanatili sa mga evacuation centers partikular ang mga nalubog ang kabahayan sa pagbaha.