--Ads--

Isinusulong sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng buwanang ₱1,000 allowance mula sa gobyerno para sa mga estudyante.

Kapag naisabatas ang “National Student Allowance Program (NSAP) Act” ni Senadora Loren Legarda, makatatanggap ng allowance ang lahat ng Pilipinong estudyanteng naka-enroll at nakatugon sa minimum attendance requirements.

Layunin nitong makatulong sa gastusin ng mga estudyante para sa pagkain, pamasahe, at school supplies.

Ipapadala ang allowance sa pamamagitan ng student cards o digital vouchers na maaaring gamitin sa mga accredited vendors tulad ng school canteen, transport providers, at mga tindahan ng gamit-pampaaralan.

--Ads--

Ayon kay Legarda, ang mekanismong ito ay titiyak na ang allowance ay magagamit lamang para sa edukasyon ng kabataan at upang mapataas ang school attendance at mapabuti ang kanilang academic performance.

Nilinaw rin ni Legarda na ang allowance ay nakalaan lamang para sa mga gastusing may kaugnayan sa pag-aaral.