--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakapagtala na ang Department of Public Works and Highways o DPWH Region 2 ng P11.7 million damages sa mga kalsada at flood control projects dahil sa pananalasa ng Bagyong Enteng.

May ilang mga pangunahing kalsada pa rin sa Region 2 ang hindi pa maaaring daanan habang ang ilan ay one lane passable dahil sa mga naitalang landslide dulot ng pananalasa ng bagyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DPWH Public Infromation Officer Maricel Acejo sinabi niya na may mga tulay ang umapaw subalit sa ngayon ay bumalik na sa normal ang antas ng tubig.

May mga lugar pa rin namang nakakapagtala ng landslide sa bahagi ng Nueva Vizcaya kaya naman pinag iingat pa rin ang mga motorista habag one lane passable pa rin ang ilang lansangan sa Maddela at Nagtipunan Quirino dahil sa pagguho ng lupa.

--Ads--

Sa datos ng DPWH Region 2 nakapagtala sila P11.7 million na pinsala sa imprastraktura partikular sa mga kalsada at flood control projects.

Aniya bagamat nagkaroon ng bagyo ay inaasahang matutuloy pa rin ang opening ng Sta. Maria Cabagan all Weather Bridge sa katapusan ng ng Setyembre.

Tiniyak din niya na mananatili pa rin silang nakaantabay lalo at may banta muli ng isang panibagong sama ng panahon para mabantayan ang mga major roads at ongoing construction ng mga flood control projects