--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa P11 million ang halaga ng mga marijuana plants na sinunog sa isinagawang marijuana eradication o OPLAN MAYO ng mga otoridad sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCapt. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office na nagsagawa ng OPLAN MAYO ang mga operating unit ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit katuwang ang Tinglayan Municipal Police Station, 1st at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company kasama ang NBI Bayombong, Nueva Vizcaya ay nagsagawa ng marijuana eradication na nagresulta sa pagbunot at pagsira ng mga pananim na marijuana.

Sa unang site ay aabot sa 5,000 piraso ng pananim na marijuana na  nakatanim sa 500 square meter land area na may halagang P1 million ang kanilang sinunog.

Sa ikalawang site ay aabot sa 50,000 piraso ng pananim na marijuana na nakatanim sa 2,000 square meter land area na nagkakahalaga ng P10 million ang kanilang sinira.

--Ads--

Ang lahat ng mga pananim na marijuana ay binunot at sinunog sa lugar kung saan itinanim.

Batay sa kanilang pagsisiyasat ay natuklasan nilang sadyang itinanim ng mga pinaghihinalaan ang marijuana kaya puspusan ang isinasagawa nilang eradication upang masira ang mga pananim na marijuana.

Mayroon din aniyang mga malalayong taniman ng mga marijuana na kailangang lakarin ng anim hanggang walong oras bago marating ang lugar.

Tinig ni PCapt. Ruff Manganip.