DITO SA LUNSOD NG CAUAYAN – Kinumpirma ni Dr. Oscar Caballero, Chief of Hospital ng Cauayan District Hospital (CDH) na ilang beses nang nagsagawa ng occular inspection ang mga kinatawan ng Department Of Health (DOH) region 2 para sa gagawing rehabilitasyon ng ospital.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Caballero na umaabot sa P/13 million ang inilaang pondo ng punong tanggapan ng DOH para sa rehabilitasyon ng CDH.
Kabilang sa mga gagawin ang multi-purpose na stock room, lutuan ng mga nagbabantay na pasyente, paglalagay ng mga tiles at pagpintura sa pagamutan.
Aayusin din ang mga bubong na tumutulo kapag malakas ang ulan.
Nais aniya ng DOH na ang Provincial Engineering Office ang magsasagawa ng bidding at hindi na ang DPWH 3rd engineering district.
Umaasa si Dr. Caballero na masisimulan na sa lalong madaling panahon ang rehabilitasyon ng CDH para mas maraming pasyante ang puwedeng ma-accomodate.




