--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit labing apat na milyong piso ang halaga ng marijuana plants ang naeradicate ng mga otoridad sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCapt. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office na noong una at pangatlong araw ng Pebrero ay nagkaroon ng Marijuana eradication ang mga kasapi ng Special Operations Unit ng Cordillera, Tinglayan Police Station, 2nd Provincial Mobile Force Company, at Regional Mobile Force Battalion 15.

Noong unang araw ng Pebrero ay dalawang site ang pinagsagawaan nila ng marijuana eradication sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga.

Sa unang site ay umabot sa 37,500 na piraso ng fully grown marijuana plants ang naeradicate na may suggested drug price na 7 milyon 500 thousand pesos sa land area na 3,750 square meters.

--Ads--

Sa ikalawang site naman ay halos 31,000 na piraso ng fully grown marijuana plants ang naeradicate sa land area na 3,100 square meters at may suggested drug price na 6 milyon 200 thousand pesos.

Sa kabuuan ay may 68,500 na piraso ng fully grown marijuana plants na naeradicate at may suggested drug price na P13,700,000 noong unang araw ng Pebrero.

Noong ikatlo ng Pebrero naman ay umabot sa 3,600 na piraso ng Fully Grown Marijuana Plants at may suggested drug price na 720,000 pesos ang naeradicate sa Ngibat, Tinglayan, Kalinga.

Sa kabuuan ay may P14,420,000 ang suggested drug price ng naeradicate na marijuana plants.

Ayon kay PCapt. Manganip, ang iba sa mga ito ay tanim at ang iba ay kusang tumubo.

Noong Enero aniya ay nagkaroon din sila ng eradication at mas marami ang kanilang naeradicate na marijuana plants.

Pinakatutukan naman nila ngayon ang bayan ng Tinglayan dahil sa dami ng mga pananim na marijuana sa naturang lugar.