--Ads--

Sa kabila ng isa sa pinakamalalaking budget noong 2024, may P165 bilyon pa ring hindi nagamit na pondo ang Department of Public Works and Highways (DPWH), ayon sa ulat ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon sa performance review ng DBM may kabuuang P1.4 trilyong pondo ang DPWH ngayong taon, mula sa regular na alokasyon, unprogrammed funds, transfer mula sa ibang ahensya, at natirang pondo mula 2023.

Sa kabila nito, P1.2 trilyon lang ang na-obligate o naitalaga sa mga proyekto, kaya’t nasa 11.8% ang rate ng hindi nagamit na pondo.Sa kabila nito ay binigyan pa rin ng “satisfactory” rating ang DPWH.

Sa P545 bilyong ginastos sa flood control mula 2022, nananatiling malala ang pagbaha tuwing tag-ulan.

--Ads--

Ilang proyekto, bagama’t “tapos” na umano, ay hindi magamit dahil sa mababang kalidad ng konstruksyon.

May mga alegasyon ng ghost projects at korapsyon sa flood management.

Ngayong 2025, nakakuha pa rin ang DPWH ng pinakamalaking budget sa lahat ng ahensya na P1.1 trilyon mas mataas pa sa sektor ng edukasyon na may constitutional mandate na dapat pinakamalaki ang pondo.

Batay sa DBM ang Department of Migrant Workers (DMW) ang may pinakamababang obligation rate na 49.5% lamang.

Sinundan ito ng Department of Human Settlements and Urban Development at ng Office of the President, na may 21.8% na hindi nagamit na pondo.

Ayon sa DBM, ilang ahensya ang nahirapan sa procurement o pagproseso ng kani-kanilang mga proyekto.