--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit 11,000 fully grown marijuana ang sinira sa isinagawang marijuana eradication sa Nabuluan, Lacnog, Tabuk City, Kalinga.
Ang naturang fully grown marijuana ay nagkakahalaga ng P2.2 million.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Dominic Rosario, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit na nag-ugat ang kanilang operasyon sa sumbong ng ilang concerned citizen.
Magkatuwang ang mga pulisya ng Kalinga, CAR at PDEA sa pagsasagawa ng marijuana eradication at sinunog ang mga binunot na fully grown marijuana sa nabanggit na lugar.
--Ads--
Walang naaresto sa naturang operasyon ngunit inaalam na nila kung sino ang nagmamay-ari ng lupang pinagtamnan ng mga sinirang marijuana.










