--Ads--

CAUAYAN CITY- Natangay ang humigit kumulang dalawang daang libong halaga ng alahas mula sa isang bahay sa Barangay Del Pilar, Cabatuan, Isabela.

Ang biktima ay si Evelyn Lago, 58 anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Cabatuan Police Station, nagtungo sa Maynila ang pamilya ng biktima noong Hunyo 11, 2017 at nang sila ay bumalik sa kanilang bahay ay natuklasan na nawawala na ang mga alahas.

Wala naman umanong nakitang ebidensya na sapilitang pinasok ng mga magnanakaw ang naturang bahay.

--Ads--

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng Cabatuan Police Station sa nangyaring panloloob sa kanilang nasasakupan.