--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinarang ng dalawang hindi pa nakikilalang armadong lalaki at tinangayan ng mahigit P20,000 ang isang contractor sa Hilltop, Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Manny Pawid, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), sinabi niya na lulan ng motorsiklo si Chester Castriciones, 29-anyos na residente ng La Torre, Bayombong, Nueva Vizcaya, contractor ng CB-DOH nang harangin siya ng dalawang armadong lalaki na lulan ng isang Honda Zonic na walang plaka.

Tinutukan umano ng baril ang biktima saka tinangay ang P26,000 na dala nito bago tumakas patungo sa timog na direksyon.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad matapos na mag-ulat ang biktima sa kanilang himpilan.

--Ads--

Tinig ni PCapt. Manny Pawid.