--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na pinahahanap ng mga awtoridad ang may ari ng isang SUV na inabandona sa bahagi ng Mosimos, Dupag, Tabuk City kung saan natuklasan ang milyun-milyong pisong halaga ng Marijuana bricks.

Ayon sa Tabuk City Police Station, kabilang sa mga nakuha ang dalawandaan at limang piraso ng Marijuana Bricks, apatnaput limang piraso ng tubular at dalawamput limang piraso ng vacuum sealed dried marijuana na aabot sa P28,50,000 ang halaga.

Anim na gramo pa ng shabu ang nakuha na nagkakahalaga ng P40,800 at nakuha rin ang ilang non drug items kabilang ang isang itim na bag pack, dalawang piraso ng plaka ng sasakyan at ang SUV kung saan natukasan ang mga kontrabando.

Patuloy naman ang pagtunton ng mga awtoridad sa may ari ng sasakyan na una nang namanmanan na nagsasagawa ng kalakalan ng droga sa lalawigan.

--Ads--

Ipinasakamay na sa Tabuk City Police Station ang mga mga nakuhang kontrabando para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.