--Ads--

Natukoy ng Political Finance and Affairs Department o PFAD ng Commission on Elections o Comelec na walang paglabag sa Omnibus Election Code kaugnay ng pagtanggap ni Sen. Francis Escudero ng P30-milyong campaign donation mula kay Lawrence Lubiano ang presidente ng Centerways Construction and Development Inc.

Sa siyam-na-pahinang resolusyon na inilabas ngayong araw ng  Miyerkules, inirekomenda ng PFAD ang pagbasura at pagtatapos ng imbestigasyon dahil sa kakulangan ng ebidensiyang sumusuporta sa reklamong lumabag sina Escudero at Lubiano sa Section 95 ng election code.

Nagsimula ang kaso matapos aminin ni Escudero na tumanggap siya ng P30-milyong donasyon mula kay Lubiano, presidente ng Centerways, isa sa top 15 government contractors na binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha ng pinakamaraming proyekto para sa flood control sa bansa.

Ayon sa PFAD, ang stock o non-stock corporations ay hiwalay at natatanging legal na entity mula sa mga taong bumubuo nito.

--Ads--

Ibig sabihin, kahit presidente ng Centerways si Lubiano, mayroon pa rin itong sariling legal na personalidad.

Ganito rin ang Centerways na may sariling legal na personalidad na hiwalay at independent mula sa mga stockholder at opisyal nito.

Nang magbigay si Lubiano ng kontribusyon sa kampanya ni Escudero noong 2022 senatorial elections, sinabi ng PFAD na ginamit lamang niya ang isang karapatang personal sa kanya.

Wala rin umanong ebidensiyang nagpapakitang ang ipinang-donate na pondo ay nagmula sa Centerways o ginamit ang corporate funds ng kumpanya para sa kampanya ni Escudero.