--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinatayang nasa 35 million pesos na ang  naitalang value lost ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA Region 2 sa mga pananim na mais na naapektuhan ng ibat ibang kalamidad sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni  Ginoong Paul Vincent Balao, Focal Person on Corn Program ng DA Region 2 na sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang pangangalap nila ng mga ulat mula sa iba’t ibang Municipal at City Agriculture Offices sa Rehiyon dos may kaugnayan sa mga naitalang totally damage at partially damage crops.

Umaabot na sa 35 million pesos ang pinsala na naitala ng DA Region 2 sa mga pananim na mais SA nakaraang tagtuyot, Bagyong Kiko at Bagyong Maring.

Sa kabuoan ay umaabot na sa 4,104 hectares ang naitalang napinsala sa pananalasa ng tagtuyot  at bagyo kung saan nasa isandaang ektarya ang totally damage habang nasa tatlong libo isang daan at apat ang partially damage.

--Ads--

Nilinaw ni Ginoong Balao na ang naturang datos ay hindi pa pinal at inaasahan pang madadagdagan dahil hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang monitoring at pagsusuri ng mga MAO Offices sa mga pananim na napinsala ng kalamidad.

Inihahanda rin ng DA Region 2 ang ulat para sa mga naaning mais na tinangay ng tubig baha bagamat hindi ito kabilang sa kanilang parameters.

Isinangguni na rin ng DA Region 2 sa DA Central Office ang panukalang rehabilitasyon ng mga maisan sa rehiyon kung saan pinag-aaralan ng tanggpan ang pamamahagi ng binhi sa mga apektadong magsasaka.

Sa ngayon ay naka-depende ang kagawaran sa kanilang Quick response fund kung saan una na silang nagpasa ng proposal sa Central office para sa Rehabilitation and recovery plan ng mga sakahang naapektuhan ng tagtuyot at kasalukuyan na rin ang recovery plan para sa typhoon kiko habang binubuo pa lamang ang recovery plan para sa mga magsasakang naapektuhan ng Typhoon Maring.

Tiwala naman ang DA region 2 na makakamit ng kanilang tanggapan ang target production ngayong anihan kahit pa naapektuhan ng tagtuyot at mga bagyo ang nasa mahigit sampung libong ektarya ng maisan.

Ang bahagi ng pahayag ni