CAUAYAN CITY – Naglaan ang Kongreso ng 40 billion pesos na pondo para sa ganap na pagpapatupad ng pamahalaan sa Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act/ Free tuition for state universities and colleges.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Congressman Karlo Nograles 1st District ng Lunsod ng Davao, Chairman ng House Appropriations Committee na sa darating na pasukan ang full impelementation ng libreng matrikula at miscellaneous fee sa mga State University and Colleges o SUC’s sa bansa kasama ang University of the Philippines.
Ayon kay Kinatawan Nograles, ang mga SUC’s ay maniningil sa Commission on Higher Education o CHED na siyang hahawak ng pondo para sa libreng matrikula sa mga pamantasan at kolehiyo ng pamahalaan.




