--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 5.5 milyon pesos na halaga ng Fully Grown Marijuana plant ang sinira ng mga otoridad sa isinagawa nilang operasyon sa Tinglayan, Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office sinabi niya na bilang bahagi pa rin ng kanilang Demand Reduction at Marijuana Eradication ay binunot at sinira nila ang ilang fully grown Marijuana Plant sa Tinglayan, Kalinga.

Ang Marijuana plantation sa Loccong Proper ay may 2000 square meters land area at nasa limampu’t tatlong piraso ng Fully Grown Marijuana Plant ang sinira na may standard price na apat na milyong piso.

Nasira rin nila ang plantasyon sa Loccong, Tinglayan Kalinga at umabot sa 7,500  marijuana plant ang sinira na may kabuuang halaga na na 1.5 million pesos.

--Ads--

Samantala, malaki ang posibilidad na mula sa Kalinga ang mga nasamsam na marijuana sa ilang Lalawigan tulad ng Isabela kaya mas pinaiigting nila ang operasyon para tuluyang mapuksa ang kalakalan ng Marijuana sa Probinsya.

Patuloy din nilang sinisilip ang nangyayaring palitan ng kontrabando at ipinapasok ang shabu sa Kalinga na papalitan ng Marijuana gayundin ang mga nagpapangap na turista para lamang makapagpuslit ng Marijuana.