--Ads--

Iminungkahi ni dating Finance Secretary Cesar Purisima na alisin na sa sirkulasyon ang P500 at P1,000 na perang papel at gawing P200 ang pinakamalaking denominasyon sa Pilipinas.

Ayon kay Purisima, makatutulong ito upang mahirapan ang mga tiwaling opisyal sa pagtatago o paglipat ng ilegal na pera. Aniya, kung mas maliit ang halaga ng mga perang papel, mas lalaki ang volume ng perang kailangang itago, kaya’t tataas ang gastos at panganib sa mga gumagawa ng katiwalian.

Binanggit ni Purisima ang isyu kasunod ng pag-amin ni dating Bulacan 1st Assistant District Engineer Brice Hernandez na naghatid siya ng tinatayang P1 bilyong cash nakalagay sa mga maleta sa staff ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.