Matatagpuan Sa Asador Aupa restaurant sa Spain ang pinakamahal at pinaka-eksklusibong burger sa mundo. Nagkakahalaga ito ng $11,000 o humigit-kumulang ₱647,000. Tanging mga may imbitasyon lang ang maaaring makatikim nito.
Ang Asador Aupa ay isang Basque restaurant sa Cabrera de Mar, Catalonia. Pinamumunuan ito ng chef at gastronomic influencer na si Bosco Jiménez.
Inabot ng walong taon bago nila naperpekto ang burger at hindi isinasapubliko ang mga sangkap, pero ayon sa restaurant, nakabase ang presyo sa tatlong bagay: kalidad ng sangkap, kakaibang experience, at exclusivity.
Ginagamit dito ang ilan sa mga pinakabihirang karne at keso sa Europa, pati isang espesyal na sauce na may mamahaling alak.
Hindi lang pagkain ang binabayaran dito kundi ang buong experience at limitado lang ang produksyon at para lamang sa piling panauhin.
Maaari namang mag-request ng imbitasyon, pero piling tao lang ang mapipili para makaranas nito.











