--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilooban ang isang pribadong kolehiyo sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMSgt. Prudencio Atas, Public Information Officer ng Tabuk City Police Station, sinabi niya na nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa Saint Louis College of Bulanao ukol sa nangyaring panloloob sa accounting office ng eskwelahan.

Aniya, dumaan at lumabas ang mga nanloob sa bintana ng kisame ng opisina at pwersahan nilang binuksan ang drawer at tinangay ang pera na nagkakahalaga ng P700,000.

Posibleng nagmanman ang mga kawatan bago ang pagnanakaw dahil naitaon na bayaran ng tuition fee nang mangyari ang pagnanakaw.

--Ads--

Sakto ring hindi gumagana ang CCTV Camera ng accounting office kaya malaki ang tsansa na palagi sa lugar ang mga nasa likod ng pagnanakaw.