CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit siyam na milyong pisong halaga ng mga tanim na marijuana ang sinunog ng mga otoridad sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Kalinga, Benguet, at Ifugao.
41,750 marijuana plants na nagkakahalaga ng P8,350,000 ang narekober ng Kalinga Police Provincial Office at ng Regional Mobile Force Battalion 15, at PDEA-Kalinga sa Brgy. Bugnay, Brgy. Loccong, Brgy. Butbut Proper, at Brgy. Ngibat sa Tinglayan, at Brgy. China sa Rizal, Kalinga.
3,800 marijuana plants na nagkakahalaga ng P760,000 ang sinunog ng Bakun Municipal Police Station, Kibungan police station, 1st at 2nd Benguet Provincial Mobile Force Companies, Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit ng Benguet PPO, Regional Intelligence Division ng PRO-CAR, Regional Intelligence Unit 14, at PDEA-CAR sa Brgy. Tacadang at Brgy. Palina sa Kibungan, at Brgy. Kayapa sa Bakun, Benguet.
Natagpuan din sa Ifugao ng mga kasapi ng Banaue Police Station, 2nd Ifugao PMFC, PIU, at PDEU ng Ifugao PPO, at PDEA-Ifugao ang sampung piraso ng marijuana plants na nagkakahalaga ng P2,000 sa inilunsad na marijuana eradication sa Brgy. Viewpoint, Banaue.
Patuloy naman ang mga isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang iba pang mga plantasyon ng marijuana sa mga kalapit na lugar at mahuli ang mga indibidwal na nagtanim ng mga ito.