--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Department of Human Settlements and Urban Development na kayang bayaran ng mga ordinaryong manggagawa ang mga ipapatayong mga pabahay sa rehiyon dos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engineer Perlita Calubaquib, Division Chief ng Department of Human Settlements and Urban Development na mayroong mahigit tatlong  ektaryang lupain sa barangay Tagaran, Cauayan City ang nakatakdang patayuan ng murang pabahay.

Ayon kay Engineer Calubaquib ang makikinabang o benebisyaryo sa mga murang pabahay ay mga low-income employees at informal settlers.

Tiniyak ng Department of Human Settlements and Urban Development na komportable ang titira sa ipapagawang mga bahay at malapit sa kabihasnan.

--Ads--

Ang maaring monthly na babayaran ng benepisyaryo ay tatlong libong piso kada buwan.

Bukod sa pabahay sa barangay Tagaran, Cauayan City ay mayroon ding ipapatayong pabahay sa Alibagu, Lunsod ng Ilagan; Roxas, Isabela at Lunsod ng Santiago; ilang mga bayan ng Cagayan, Nueva Vizcaya at Quirino.