--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinangangambahang tatagal ng pitung buwan ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Ito ang lumabas sa isinagawang pag-convene ng NDRRMC, RDRRMC, OCD AT PHIVOLCS kung saan inilatag ang mga kaukulang hakbang upang agad matugunan at matutukan ang mga kaganapan kaugnay sa aktibidad ng bulkang taal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jovener Dupilas, training officer ng OCD Region 4-A na nananatling nasa alert level 4 pa rin ang bulkang taal at ayon sa pagtaya ng PHIVOLCS ay maaring ang pananahimik ng Bulkan ay nag-iipon lamang ng Lakas o posible na ring humihina.

Sa ngayon anya ay limampong metro hanggang animnaraang metro ang taas ng ibinubugang usok at abo ng Bulkang Taal.

--Ads--

Subalit hindi pa rin anya inaalis ng PHIVOLCS na magkaroon pa ng malakas na pagsabog dahil noong huling pagputok ng bulkan ay umabot ng pitung buwan ang pag-aalburuto nito.

Ipinapatupad pa rin ang total lock down sa mga barangay na nasa loob ng 14 kilometer radius bagamat pinapayagan pa rin ang mga residente na makabalik pansamantala sa kanilang tahanan sa loob ng ipinapatupad na window hour ng RDRRMC at OCD Calabarzon gayundin ang force evacuation para sa mga residente na hindi pa rin lumilikas sa loob ng permanent danger zone.

Tinig ni Jovener Dupilas, training officer ng OCD Region 4-A.