--Ads--

Ikinatuwa ng grupo ng mga riders sa Isabela ang pag-apruba ng Bicameral Conference Committee sa panukala na nag-aamyenda sa Motorcycle Crime Prevention Act o Doble Plaka Law.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Joey Tejada, Founding Chairman ng Isabela Pro Riders Club Incorporated, sinabi niya na tutol na sila sa naturang batas kahit pa noong ipinapanukala pa lamang ito dahil delikado para sa mga motorsita ang pagkakaroon ng plaka sa harap ng kanilang mga motor.

Giit nito na hindi dinidensyo ang motorsiklo para sa dalawang plaka dahil maaari itong maka-disgrasya.

Magiging dagdag pasanin din ito para sa mga motorista at sa hanay ng Land Transportation Office (LTO) dahil ngayon pa lamang na iisa ang plaka ng mga motor ay hirap na ang LTO na maibigay ito.

--Ads--

Sa ngayon kasi ay nasa 9 million motorsiklo pa ang hindi nabibigyan ng plate number.

Isa sa mga dahilan kung bakit ipinasa ang naturang batas ay upang mas madaling malutas ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga motorista ngunit iginiit ni Tejada na para maisakatuparan ito ay kailangan muna nilang lutasin ang problema sa plaka.