--Ads--

CAUAYAN CITY- Welcome Development para sa Federation of Free Farmers ang panukala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na amyendahan ang Rice Tarrification Law.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Leonardo Montemayor ng Federation of Free Farmers, sinabi niya na kailangan lamang pag-aralan ng mabuti ang magiging papel rito ng National Food Authority upang matiyak na ang pagrepaso sa RTL ay ikabubuti ng lahat lalo na ng mga magsasaka.

Isa sa mga dapat isaalang-alang sa pag-amyenda ng RTL ay kung paano mapapaganda ang batas na makahihikayat sa mga magsasaka na magtanim ng sapat na palay.

Ayon pa kay Montemayor, kinakailangan na palakihin ang Rice Competitiveness Enhancement Fund o ang pondo na nakukuha mula sa taripa ng mga imported na bigas.

--Ads--

Mula sa 10 billion pesos ay dapat itong gawing 15 hanggang 20 billion pesos upang may magamit sa pag-improve sa mga post harvest facilities at irrigation systems upang mabawasan ang hirap ng mga magsasaka sa pagtatanim.

Kinakailangan din na pag-aralang maigi kung dapat bang bigyan ng pahintulot ang NFA na umangkat ng bigas sa mga emergency situations upang masiguro na maging sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

Kung magbebenta aniya ng NFA ng bigas sa merkado sa murang halaga ay malulugi ang Gobyerno dahil mas mahal na kung sakali ang bili nila sa mga bigas kaysa sa selling price nito.

Kung nais aniya ng pamahalaan na magbenta ng murang bigas mula sa NFA ay dapat hindi pangkalahatan at dapat ang mga mahihirap lamang ng mga Pilipino ang mabentahan upang hindi malugi ang pamahalaan.