--Ads--

Dismayado ang isang Constitutionalist sa naging pasya ng Senado na I-archive ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco sinabi niya na hindi makabubuti ang desisyon ng Senado na sundin ang pasya ng Supreme Court bilang impeachment court.

Napakasimple lamang naman aniya sana ang dapat na resulta ng deliberasyon at hilaw na desisyon ang pag-archive sa Articles of Impeachment.

Ang ginawa ng Senado na pag-archive sa impeachment ay nangangahulugan na hindi ito tatalakayin ng senado pansamanatala subalit kung magkakaroon ng pagpapalit o pagbabago sa pasya ng Korte Suprema sa Motion for Reconsideration ng Lower house sa House of Representatives ay muli itong bubuksan at maipagpapatuloy ang pagdinig nito bilang impeachment court.

--Ads--

Nagkaroon din aniya ngayon ng impression na minamadali ng Senado na itigil o huwag ituloy ang pagtalakay sa impeachment case kaya una naring isinulong ang Motiong to Dismiss na pinangunahan ni Senator Ronald Bato Dela Rosa.

Umaasa parin siya na matutugunan ng Korte Suprema ang mosyon ng House of Representatives para sa pinal sa desisyon.