--Ads--

CAUAYAN CITY – Ang nag-collapse na right landing gear ang naging sanhi ng pagsadsad ng cessna 402 plane sa runway ng paliparan sa naturang bayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMajor Manuel Abella, Hepe ng Maconacon Police Station na batay sa salaysay ng piloto, nag-collapse ang landing gear ng Cessna 402 na may tail number na 38825 kaya sumadsad sa runway ng paliparan.

Nakalapag  na ang eroplano sa runway ng paliparan ng Maconacon noong alas dos ng Hapon noong ikadalawampu’t lima ng Marso nang mag-collapsed ang landing gear.

Masuwerte namang walang nasaktan sa walong pasahero at dalawang piloto sa naturang aksidente.

--Ads--

Mayroon namang sariling imbestigasyon na isasagawa ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP kaugnay sa pagsadsad ng naturang Cessna Plane.

Ang bahagi ng pahayag ni PMajor Manuel Abella.