--Ads--
Hindi inalintana ng magkasintahang sina Jade Rick Verdillo at Jamaica Aguilar ang matinding pagbaha sa lalawigan ng Bulacan at itinuloy pa rin ang kanilang kasal sa kabila ng masamang lagay ng panahon.
Idinaos ang seremonya sa Parokya ng Nuestra Señora del Carmen sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain, kung saan mataas ang baha sa loob, labas, at paligid ng simbahan.
Sa kabila nito, nagdesisyon ang mga dumalo na makiisa sa masayang okasyon.
Umani ng papuri at pagbati ang magkasintahan mula sa mga nakasaksi sa kanilang determinasyon at pagmamahalan, ngunit nagbigay paalala ang ilan na magpatingin sa doktor ang mga lumusong sa baha upang maiwasan ang posibleng sakit na dulot ng maruming tubig.
--Ads--











