--Ads--

CAUAYAN CITY- Tuloy tuloy pa rin sa pagpapaalala ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga motorista na laging obserbahan ang speed limit sa pagmamaneho ng kahit anong klase ng behikulo.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 400 ang naitalang aksidente sa lungsod kung saan mula Enero hanggang Hunyo nakapagtala na ng 215 na naaksidente na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin, 238 ang walang suot na helmet at 16 na ang naitalang nasawi.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DRRM Officer Ronaldo Viloria tanging ang pagpapaalala nalang sa mga motorista ang kaya nilang gawin araw araw.

Ang problema umano nila nakikita sa mga motorista ay nag mamaneho ng lasing at wala pang helmet kaya hindi malayong maaksidente.

--Ads--

Kaugnay nito pinaaalalahan niya ang lahat na ugaliing magsuot ng helmet at huwag lamang itong gamitin bilang props upang hindi mahuli.

Pinaaalalahanan din ang lahat na huwag magmaneho kung nakainom.