Ipagbabawal ang pag-park ng mga sasakyan harapan ng Our Lady of the Pillar Parish Church sa pagsisimula ng Misa De Gallo sa Disyembre 16.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ret. Col. Pilarito Mallillin, Hepe ng Public Order and Safety Division, sinabi niya ito ay upang ma-maximize ang espasyo sa compound ng simbahan dahil ito ay lalagyan ng monoblock chairs upang ma-accommodate ang mga debotong dadalo sa misa.
Pansamantala namang isasara ang FL Dy Street, at Bucag Street na magsisilbing parking area.
Mayroon namang inilaang parking spaces sa labas ng simbahan hanggang sa bahagi ng City Hall kaya naman isasara pansamantala ang FLDY St.
Tiniyak naman ni POSD Chief Mallillin na naka-full blast ang kanilang hanay at ng iba pang uniformed personnel upang umasiste sa mga makikiisa sa Misa de Gallo para mapanatili ang kaayusan.











