--Ads--

Naging mapayapa ang pagsertipika sa electoral college ni US Presidente Elect Donald Trump sa US Capitol.

Ito ay pinangunahan ni US Vice President Kamala Harris kasama si  si Speaker of the House Mike Johnson.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na bagama’t magkatunggali si Trump at Harri sa nagdaang US presidential Election ay naging maayos ang kabuuan ng naturang aktibidad.

Pagkatapos ng pagsertipika sa mga boto ni trump ay pormal na siyang uupo bilang Pangulo ng Estados Unidos sa ika-20 ng Enero.

--Ads--

Dahil sa nakakaranas ng Winter Storm ang Estados Unidos ay labis ang ginagawang paghahandang mga awtoridad upang maisaayos ang pagdarausan ng inagurasyon ni Trump.