CAUAYAN CITY – Maituturing na beneficial para sa ilang magsasaka ang pag-ulang dala ng Bagyong Carina.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Atty. Constante Foronda, sinabi niya na nakatulong ang mga nasabing pag-ulan sa ilang sakahan na ilang araw nang hindi nakakaranas ng ulan.
Inaasahan ding mapataas ng pag-ulan ang antas ng tubig ng Magat Dam na ginagamit hindi lamang sa irrigation kundi maging sa Hydro Electric Power Plant.
Kasabay ng nakataas na Signal Number 1 sa Palanan, Maconacon at Divilacan ay ipinapatupad na rin ang liquor ban at no sail policy sa nasabing mga lugar.
Wala pa namang nararanasang malakas na ulan at hangin sa lugar at hindi rin nila nakikita ang pangangailangang magsagawa ng preemptive evacuation.