--Ads--

Sinasabayan lamang ng NFA ang pagbaba ng presyo ng palay sa merkado na pababa na rin dahil sa anihan na ng mga magsasaka.

Ito ang inihayag ng Federation of Free Farmers kaugnay sa pagbaba ng NFA sa kanilang buying price ng palay sa mga magsasaka.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Raul Montemayor, Manager ng Federation of Free Farmers, sinabi niya na bumababa ang presyo ng palay sa mga private rice traders at sa importasyon kaya kung mananatili ang NFA sa mataas nitong presyo ay maraming magsasaka ang magbebenta sa kanila ngunit madali namang maubos ang kanilang pondo.

Kung ilalapit ng NFA ang kanilang presyo sa mga traders ay mas marami silang matutulungang magsasaka at mas maalalayan pa ang presyo.

--Ads--

Batay sa mga nakukuha nilang impormasyon, nasa 20-21 pesos per kilo ang pagbili ng mga traders kaya kung ilalapit ng NFA ang presyo sa 23-25 pesos ang magandang presyo pa rin para sa mga magsasaka dahil hindi sila malulugi.

Aniya kapag mataas ang presyo ng NFA kaysa sa mga traders ay may mga traders na magbebenta sa kanila at hindi na nabibigyan ng pagkakataon ang mga maliliit na magsasaka na makapagbenta ng kanilang ani.