--Ads--

Nagbabala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP na anumang tangkang palitan ang pamunuan ng Senado o ilihis ang atensyon mula sa imbestigasyon sa mga iregularidad sa mga flood control project ay magpapataas lamang umano ng hinala ng publiko na may tinatago o cover-up.

Ipinahayag ng ng CBCP ang babalangng ito sa gitna ng mga usap-usapan hinggil sa umano’y tangkang kudeta laban kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Matatandaang noong nakaraang buwan lamang ay napalitan ni Sotto si Senator Francis “Chiz” Escudero sa pamamagitan ng isang minority-led ouster.

Muling nanawagan ang CBCP sa pamahalaan na pairalin ang transparency at accountability sa pagsasagawa ng mga imbestigasyon sa naturang flood control scandal upang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa mga institusyon ng gobyerno.

--Ads--

Sa mga isinagawang magkakasunod na pagdinig sa Kongreso lumutang ang mga alegasyon ng kickbacks, anomalya, at mga congressional insertions sa pambansang budget kung saan umano’y sangkot ang ilang mambabatas at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon pa sa CBCP ang tanging paraan upang tuluyang linisin ang pangalan ng mga sangkot at mapanumbalik ang tiwala ng publiko ay sa pamamagitan ng malinaw, patas, at tapat na imbestigasyon.