CAUAYAN CITY- Hindi pa rin lubusang maipagbawal ang end of contract o ENDO sa mga manggagawa sa region 2 at maging sa buong bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Erwin Aquino, Asst. Regional Director ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 na hindi pa rin naipapatupad sa ikalawang rehiyon at maging sa buong bansa ang pagwawakas ang ENDO.
Ito ay dahil mayroong ginagawang mga legal na hakbang ang mga may-ari ng mga kompanya na kailangan ding mapakinggan ang kanilang panig sa pagtutol ng ENDO.
Binigyang diin naman ng DOLE Region 2 na kanilang inaasikaso at tinutugunan ang anumang mga hidwaan o problema sa pagitan ng mga manggagawa at Management na idinulog sa kanilang tanggapan.
Ito ay para maging maayos at magkaroon ng amicable settlement kung kinakailangan at kung hindi maayos ay kanilang titimbangin kung sino ang tama at mabigyan ng kaukulang karampatang hustisya ang magkabilang panig.




