--Ads--
CAUAYAN CITY– Patuloy ang pag-inspeksyon ng City Environment and Natural Resouces Office (CENRO) katuwang ang Public Order and Safety Division ( POSD ) at PNP sa mga bahay kalakal para ipatupad ang pagbabawal sa paggamit at pagbebenta ng plastic at styrofoam.
Ayon sa CENRO, pagmumultahin ng Php1,000.00 sa unang paglabag, Php2,000.00 sa ikalawang paglabag at Php3,000.00 sa ikatlong paglabag ang mga mahuhuling hindi susunod sa ordinansa ng Cauayan City.
Kung hindi babayaran ang multa ay hindi maaaring makapag renew ng business permit mula sa Bubiness Permit and Licensing Office.
Hindi lamang maliit na mga bahay kalakal ay susuriin kundi maging ang malalaking mall sa Cauayan City.
--Ads--