--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinagbabawal na ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat at ipinatupad na ang liquor ban sa Palanan, Isabela dahil sa bagyong Betty.

Inayos na rin ng mga mangingisda ang kanilang mga bangkang pangisda at inilagay sa mas ligtas na lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Glenn Cabaldo na nag-abiso na sila sa lahat ng 17 Barangay na paghandaan ang bagyong Betty.

Ang mga Punong Barangay at kasapi ng Barangay Risk Reduction and Management Council  ay pinayuhan na rin na maging handa sa malakas na bagyo.

--Ads--

Pinayuhan na rin ang mga coastal barangays na kinabibilangan ng Culasi, San Isidro, Maligaya at Diddadungan na magkaroon ng pre-emptive evacuation sakaling lumakas ang bagyo at magdulot ng storm surge.

Maging ang mga mamamayan na nasa mabababang lugar ay pinayuhang  lumikas upang makaiwas sa pagbaha.

Tinig ni MDRRMO Glenn Cabaldo.

Samantala, inihayag naman ni Municipal Social Welfare and Development Officer Elma Gonzales na naka-preposition na ang mga relief packs na ipapamahagi sa lahat ng mga maapektuhang mamamayan.

Inihanda na rin ang lahat ng mga barangay ang kanilang mga evacuation center na gagamitin ng mga evacuees.

Bukod sa mga food packs ay nakahanda na rin ang mga hygiene kits at mga modular bed.

Tinig ni MSWD Officer Elma Gonzales.