--Ads--

CAUAYAN CITY – Mas paiigtingin pa ng Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan ang implementasyon ng City Ordinance 2021-403 o  ang pagbabawal sa pagbebenta at paggamit ng single use plastic bags sa Lungsod ng Cauayan.

Isa sa nakikitang dahilan ng pamunuan ng Lungsod sa mga pagbaha sa Cauyaan City ay dahil sa mga nagkalat na mga plastic na siyang bumabara sa mga drainages at canal.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Edwin Asis, City Economic Enterprise Management Development Officer, sinabi niya na noon pang 2021 naipanukala ang nasabing ordinansa pero hanggang ngayon ay hindi pa din ito naiiimplementa.

Aniya, matagal ng nagbibigay babala ang pamahalaang panglungsod ng pamilihan ngunit ang utos na lang aniya ng Alkalde ang kanilang inaantay para masimulan ang panghuhuli sa mga lalabag sa nasabing ordinansa.

--Ads--