--Ads--

Mas pag-iigtingin ng mga opisyal ng Barangay District III, katuwang ang City Health Office, ang programa sa pamamahagi ng libreng bakuna at bitamina para sa mga sanggol na may edad 0 hanggang 1 taong gulang.

Ayon kay Kagawad Ryan Santos, matagal nang ipinatutupad ang nasabing programa simula pa nang siya ay maupo sa posisyon.

Sa tulong at koordinasyon ng City Health Office, mas lalo pa raw itong bibigyang-prayoridad upang masiguro na ang bawat sanggol sa barangay ay mabibigyan ng sapat na proteksyon laban sa iba’t ibang sakit.

Layunin ng inisyatibo na mapangalagaan ang kalusugan ng mga sanggol at suportahan ang mga magulang na hindi palaging kayang bumili ng bitamina at iba pang pangkalusugang pangangailangan.

--Ads--

Bukod sa bakuna, regular ding namamahagi ang barangay, kasama ang City Health Office, ng libreng vitamins para sa wastong nutrisyon at tamang paglaki ng mga bata.

Samantala, patuloy namang hinihikayat ang mga magulang na makipag-ugnayan sa barangay health workers upang masigurong matatanggap ng kanilang mga anak ang mga kinakailangang bakuna at suplementong pangkalusugan.

Inaasahang mas maraming pamilya ang makikinabang sa pinalakas na programang ito habang patuloy na isinusulong ng Brgy. District III at City Health Office ang mas malusog na pamayanan para sa lahat.