--Ads--

CAUAYAN CITY- Ipinag-utos na ng pamunuan ng police regional office number 2 ( PRO2) sa mga hepe ng pulisya na siyasatin ang mga nagaganap na pagbaril at pagpatay sa kanilang nasasakupan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/ Supt. Chivalier Iringan, Public Information Officer ng PRO2 na ipinag-utos na ng kanilang regional director sa mga hepe ng pulisya na paigtingin pa ang pagsisiyasat sa mga sunod sunod na kaso ng pagbaril at pagpatay pangunahin na sa mga drug surrenderer sa lambak ng Cagayan.

Maaari anyang motibo sa ilang pamamaril ay personal na alitan, onsehan sa droga, away sa lupa at iba pang mga dahilan.

Nanawagan din si P/Supt. Iringan sa mga mamamayan na nakakakita sa krimen na magbigay ng impormasyon sa pulisya upang magkaroon ng gabay ang mga pulis sa kanilang pagsisiyasat.

--Ads--