REGION 2 – Nagpaalaala si Engr. Monico Castro Jr., Ang Chief of Field Operations Division ng DA Region 2 sa mga Benepisaryong magsasaka na gamitin sa tama ang kanilang mga ipinamimigay na mga binhi.
Ito ay may kaugnayan sa mga reklamo at impormasyong naipaparating sa kanilang tanggapan na may mga ilang benepisaryong magsasaka na ibinibenta sa kapwa nila magsasaka ang kanilang mga natatanggap na mga binhi at abono at ang iba naman ay hindiĀ itinatanim.
Ito anya ay libreng ibinibigay ng DA sa mga magsasaka na Dapat lamang nilang itanim.
Inihayag pa niĀ Engr. Castro na dahil sa mga natanggap na mga impormasyon ay gumawa na sila ng mga hakbang upang matigil ang ginagawa ng ilang mga benepisaryong magsasaka.
Anya may mga nahuling gumagawa ng naturang gawain at patuloy pa rin ang kanilang monitoring katuwang ang CIDG, PNP, at ang kanilang mismong departamento para mapanagot ang mga nagbebenta at nagsasayang sa mga binhing ipinagkakaloob ng libre ng pamahalaan.