--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihayag ng PHILHEALTH na naayon sa batas ang kahilingan ni senator Grace Poe na mabigyan ng special power ang Pangulo ng bansa upang maipagpaliban ang nakatakdang increase sa buwanang kontrobusyon sa PHILHEALTH.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Joseph Reyes ang Local Health Insurance Office Head ng PHILHEALTH Cauayan sinabi niya na bagamat naaayon sa batas ang pagbibigay ng special power sa pangulo ay nakasaad din sa republic act 11223 o Universal health Care Law ang Legislated Premium Contributions ng PHILHEALTH.

Giit niya na kung kailangang ipagpaliban ang contribution hike ay nararapat lamang itong dumaan sa tamang proseso na naaayon sa kung ano ang nakasaad sa implementing rules and regulation Universal Health care Law.

Batay sa IRR ng UHC Law mula 2019 ay umiiral na ang 2.75% rate sa premium contribution na taon taon na magkakaroon ng contribution hike hanggang sa maabot ang 5% premium contribution sa taong 2023.

--Ads--

Nilinaw rin niya na bagamat June 1 ang effectivity ng 4% premium contribution ay retro active rin ito ibig sabihin ay binibigyan ng pagkakataon ang mga miyembro na mabayaran ang kanilang karagdagang 1% premium contribution na hindi nabayaran mula buwan ng Enero hanggang buwan ng Abril.

Binigyang linaw rin ni ginoong Reyes ang hinaing ng mga Overseas filipino workers sa Mandatory na pagbabayad ng kanilang PHILHEALTH contributions.

Bilang ang mga OFW ay may kakayahang magbayad ng kanilang monthly premium contribution ay kabilang sila sa mga tinatawag na direct contributor at batay sa layunin ng UHC law ay kabilang ang mga OFw sa mga maaaring makatanggap ng mga mas pinalawak na programa t serbisyo ng PHILHEALTH.