--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakikipag-ugnayan na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa ibang para sa mga makinarya na gagamitin sa pag-processed ng mga produktong pang-agrikutura gaya ng mangga at pinya.

Ito ay tugon sa problema sa oversupply na nararanasan sa lalawigan tuwing panahon ng anihan.  

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela kay Governor Rodito Albano III, sinabi niya na susunod na buwan ay pupunta sila ng China para makita ang mga machines na kinakailangan para sa Food Processing.

Target naman nilang mamuhunan sa probinsiya para mabili sa magandang presyo ang produkto ng mga magsasakang Isabeleno.

--Ads--

Kung sakali man aniya na maranasan naman ang mababang presyo ng mga prutas ay bibilhin ito ng Pamahalaang Panlalawigan sa mas mataas na presyo para i-processed at ibahagi sa mga Isabeleno na nangangailangan ng sapat na nutrisyon.

Sa ngayon ay wala pa naman silang planong mag-export ng produkto dahil layunin lang muna nila sa nayon ang tulungan ang mga magsasaka mula sa pagkalugi.